Iniimbestigahan na ng National Food Authority o NFA ang pinagmulan ng mga hinihinalang smuggled rice na nasabat ng Philippine Navy sa Davao del Norte nitong Sabado.
Tinatayang aabot sa humigit kumulang 250,000 kilo o katumbas ng 5,000 sako ng hinihinalang smuggled na bigas ang kanilang nasabat na nagkakahalaga ng 11 milyong piso.
Lulan ang nasabing mga bigas ng motor banca na M/L Sunlight sa layong 5 nautical miles sa silangan ng Island Garden City of Samal at nakatakda sanang ibiyahe sa isang pribadong pantalan sa Maco, Compostella Valley.
Sinasabing nagmula umano sa Zamboanga City ang mga hinihinalang puslit na bigas at kasalukuyan nang inaalam kung sinu-sino ang mga nasa likod nito.
—-