Magiging 11 pesos na ang minimum fare sa jeepney sa buong bansa simula bukas, Hulyo 1.
Ito ay matapos aprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang hiling ng mga tsuper na dalawang pisong dagdag singil sa pamasahe.
Sa Hulyo 1 rin ay epektibo na ang 13 pesos na minimum na pasahe sa mga modern jeep sa buong bansa.
Kabilang rin sa mga ipinag-utos ng LTFRB ang pagkakaloob ng 20% diskwento sa mga pasaherong senior citizen, person with disabilities at estudyante.
Samantala, pinag-aaralan pa ng LTFRB ang hirit ng ilang transport group na dagdag na 5 piso para sa base fare.