Mawawalan ng P11 trilyon ang bansa sa susunod na 40 years dahil sa limitadong learning ability ng mga mag-aaral dahil sa kakulangan ng face-to-face classes sa isang taon.
Ayon iyan kay National Economic Development Authority O NEDA Director General Secretary Karl Kendrick Chua.
Sa naging pagding ng Senado sa proposed P5.024 trilyon na budget sa taong 2022.
Natanong ni Senador Win Gatchalian ang mga economic managers kung mayroon na bang datos ng mga nawala sa isang taon na pagsasara ng mga educational institutions.
Sabi ni Chua na mag-reresulta ito ng pangmatagalang epekto kapag nasa labor force na ang mag-aaral.—sa panulat ni Rex Espiritu