Lumagda na ang Pilipinas sa loan agreement para sa second tranche ng funding ng konstruksyon ng Metro Manila Subway.
Nagkakahalaga ang panibagong agreement ng 112.87 billion pesos na pinautang ng Japan International Cooperation Agency (JICA) na babayaran sa loob ng 27 taon at may kabuuang maturity period na 40 taon.
Marso 2018 nang pumirma rin ang Pilipinas at Japan sa 47.58 billion peso initial loan agreement para sa nasabing proyekto.
Ayon sa Department of Finance, para naman sa nalalabing ikatlo at ikaapat na tranches ng total loan, ire-release ng JICA ang pondo base sa project requirements at daraan pa sa mga pagtalakay.
Una nang nirebisa ng National Economic and Development Authority (NEDA) noong Setyembre sa 488.48 billion pesos o 1 trillion yen ang pondo para sa Metro Manila Subway.
75% o 370.7 billion pesos ng proyekto ay popondohan ng jica habang ang nalalabing 117.71 billion pesos ay magmumula sa kaban ng Pilipinas.