Naglaan ng P12,795M quick response fund ang Department of Agriculture-Region 10 para matulungan ang mga magsasaka sa Northern Mindanao na naapektuhan ng bagyong Odette noong nakaraang taon.
Ayon kay DA-Region 10 Technical Director Carlota Madriaga, sa kabuuang halaga, nasa P1.9M ang ginamit para sa pagbili ng fertilizers, P7.3M para sa soil ameliorants, P1.9M para sa assorted vegetable seeds at planting materials at P1.9 ang ginamit para sa pagbili ng livestock tulad ng kambing, manok at mga gamot para sa alagang hayop.
Samantala, pinalawig din ng DA-Region 10 ang financial assistance sa mga magsasaka sa pamamagitan ng survival and recovery assistance program for rice farmers kung saan P75M ang inilaan para rito at ang mga benepisyaryo ay makakatanggap ng P10K no-interest loan. - sa panulat ni Airiam Sancho