Aabot sa 12 million pesos na halaga ng dalawang Solar-Powered Irrigation System (SPIS) ang ipinagkaloob ng Department of Agrarian Reform (DAR) katuwang ang National Irrigation Administration (NIA) sa grupo ng mga magsasaka sa bayan ng Tanza at Magallanes, Cavite.
Ayon sa DAR-Cavite, nasa 32 ektarya ng agricultural land ang kayang patubigan ng SPIS at mapapakinabangan ng 34 na Agrarian Reform Beneficiaries (ARB).
Maka-titipid sa gastos ang mga magsasaka dahil mas mura ang solar energy kumpara sa diesel at gasolina.
Makatutulong din ito sa pagbibigay ng maaasahang pagkukunan ng kuryente lalo sa mga rural areas. —sa panulat ni Jenniflor Patrolla