Natanggap na ng Department of Foreign Affairs (DFA) mula sa Department of Justice (DOJ) ang kompensasyon na para sa mga Pilipinong mangingisda na nawasak ang bangka matapos na salpukin ito ng isang Chinese vessel sa Recto Bank.
Ayon sa DFA, sa ngayon, kinakailangan na lamang na magkaroon ng diplomatic engagement sa pagitan ng Philippine at Chinese government upang maipagkaloob na sa mga Filipino fisherman ang kompensasyong ito kasunod ng nangyaring coalition incident.
Sinabi naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra na isinumite na na nila sa DFA ang ulat hinggil sa tinatayang P12 million na hinihinging danyos ng owner at crew members ng FB Gem-Ver.
Matatandaang, sinalpok ng hinihinalang Chinese militia vessel ang Philippine fishing boat, dahilan upang lumubog ito at magpalutang-lutang ng ilang oras sa karagatan ang 22 Pinoy fisherman bago nasagip ng Vietnamese vessel.