Nilinaw ng Liga ng Transportasyon at mga Operators sa Pilipinas o LTOP ang inihihirit ng mga tsuper at operator ang P12.00 na minimum na pasahe sa jeepney.
Ayon kay LTOP President Lando Marquez, pinag-aaralan pa nila ang nasabing panukala kung saan nais nilang taasan ang minimum fare sa jeepney kapag sumunod na ang operators at drivers sa modernization program ng pamahalaan.
Sinabi pa ni Marquez na hindi makakasama sa nasabing hirit na dagdag pasahe ang mga lumang jeepney.
Paliwanag ni Marquez, nararapat lamang taasan ang pasahe kung ang mabibigyan din ng kaginhawaan ang mga mananakay.
Dagdag pa ni Marquez, pansamantala din nilang hinold ang pagsusumite ng nasabing panukala sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) dahil sa diwa ng Kapaskuhan at itutuloy ang pagsusulong nito sa susunod na taon.
Kung ‘yung modernize na po na compliance doon sa Philippine national standard ay doon po kami hihirit na ipa-rehash ‘yung aming pamasahe dahil ‘yung convenience naman na ide-deliver namin ay parehas doon.
So, ‘yun po ang aming paliwanag kaya lang kulang pa po kasi sa paliwanag kaya kapag tiningnan mo, kung baga sa unang tingin eh napakasama.