Inihahanda na ng Philippine Coast Guard o PCG ang kaso laban sa kapitan at tauhan ng barko na mula sa Liberia.
Kasunod ito ng pagkakasamsam ng animnapung libong (60,000) sako ng bigas na nagkakahalaga ng isandaan at dalawampung (120) milyong pisong sa MV-J-Phia, isang cargo ship na mula sa Liberia.
Ayon sa Philippine Coast Guard, agad silang rumesponde sa karagatan ng Olutanga Zamboanga Sibugay matapos makatanggap ng tip hinggil sa Liberian ship na may lamang puslit na cargo.
Batay sa paunang impormasyon, inilipat lamang ng isa pang dayuhang barko ang mga puslit na bigas sa Liberian ship.
P120 milyong piso na halaga ng smuggled bigas nasabat ng Philippine Coast Guard sa Zamboanga | via Aya Yupangco pic.twitter.com/CaWO1LkIgO
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) January 8, 2018
(Ulat ni Aya Yupangco)