Nasabat ng BOC o Bureau of Customs ang nasa P125 na milyong pisong halaga ng smuggled na bigas sa MICP o Manila International Container Port.
Ayon kay Customs Commissioner Isidro Lapeña, walang “import permit” mula sa NFA o National Food Authority ang nasa limampung sako ng bigas na dumating sa bansa nuon pang Hunyo mula sa Thailand.
Lumabas din sa imbestigasyon ng ahensya na naka-consigned ang naturang kontrabando sa Santa Rosa Farm Products Corporation.
Sinabi ni Lapeña na may pending case sa Department of Justice ang naturang rice importer dahil sa pag-iimport ng dalawandaang container ng bigas nang walang kaukulang mga dokumento.