Nasabat ng Bureau of Customs ang 13.8 million pesos na halaga ng shabu mula Bangkok, Thailand.
Dumating umano ang ilegal na droga sa bansa noong January 2 na may label na “microserver double stairless ceramic.”
Ang pisikal na pagsusuri ng parcel ay humantong sa pagkadiskubre ng apat na piraso ng tatlong litro na stainless sports jugs na naglalaman ng mga substance na nakabalot sa plastic at aluminum foil.
Samantala, ang pagkakasamsam sa shipment ay humantong sa pagkakaaresto sa dalawang claimant mula sa Pasay City matapos ang joint delivery operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Bureau of Customs-Port of Clark, at Ninoy Aquino International Airport. —mula sa panulat ni Hannah Oledan