Isang hotel staff ang nagsauli ng napulot nitong bag na naglalaman ng 130,000 pesos na cash sa guest na nag-checkout sa Mexico, Pampanga.
Ayon kay Arjay Montemayor, nang makita niya ang bag ay agad niya itong isinurrender sa kanyang supervisor at doon na tumambad ang nasabing halaga.
Napag-alaman na ang napulot na pera ng ni Montemayor ay pampasweldo ng guest sa mga empleyado nito.
Samantala, bilang gantimpala, ginawang probationary employee ng hotel si Montemayor mula sa pagiging project employee. —sa panulat ni Mara Valle