Viral ngayon sa social media ang video clip ng isang grupo ng mga socialite na kumakain sa isang Japanese dinner na nagkakahalaga ng P133,000 matapos magdulot ng mainit na debate sa social media.
Anu-ano nga ba ang masasabi ng mga netizen tungkol sa video clip ng “guess the bill” sa Japanese dinner?
Tara, alamin natin yan!
Isang clip ng content creator na si Emman Atienza ang ibinahagi nito sa social media.
Sa nasabing video, makikita ang anim na babae na hinuhulaan ang bill ng kanilang kinain.
Sa huli, pumalo sa mahigit P130,000 ang naging presyo ng kanilang kinainan.
Isa sa mga babae ang makikitang nag-abot ng credit card matapos makita ang bill at tila balewala lamang dito ang libu-libong halaga ng kanilang kinain.
Dahil dito kung kaya’t nakatanggap ng pambabatikos ang anim na babae mula sa mga netizen na nagsasabing hindi dapat gumastos ng mahal para sa isang kainan lamang.
May mga nagsabi namang mas marami pang makabuluhang bagay na pwedeng paggamitan ng perang ginastos ng mga ito.
Ngunit may iba namang netizens na dinepensahan ang ginawa ng mga babae dahil afford naman umano ng mga ito ang gumastos at inggit lang ang iba.
May mga nagkomento pa na “Kasalanan na po kasing maging mayaman ngayon” bilang pagtatanggol sa anim na babae.
Kaugnay nito,ipinaliwanag naman ng influencer na si Emman na ang video clip ay biro lamang at hindi sila ang gumastos para dun at in- emphasize din niya na kahit sila ang gumastos ay karapatan nila iyon dahil pera naman nila ang gagamitin.
Ikaw, ano ang reaksyon mo sa napanood na viral video?