Nasabat ang higit P136M ang halaga ng hinihinalang shabu sa Ayala Alabang Village sa Muntinlupa.
Kinilala ang dalawang suspek na sina Aurelien Cythere, 41-anyos, at Mark Anthony Sarayot, 42-anyos.
Nagsagawa ang mga otoridad ng buy-bust operation sa pagawaan ng illegal na droga.
Bukod sa shabu at mga kemikal na sangkap sa paggawa ng iligal na droga, nasamsam din ang ilang Identifications Cards, tatlong cellphone at assorted financial documents.
Nahaharap si Cythere at Sarayot sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. —sa panulat ni Jenn Patrolla