Tinatayang P137,000 halaga ng shabu ang nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency sa inilunsad na buy-bust operation sa Santa Cruz, Laguna.
Isinagawa ang operasyon sa Barangay Santisima, public market na nagresulta rin sa pagkaka-aresto ng 3 katao kabilang ang isang menor de edad.
Kinilala ang 2 sa mga inaresto na sina Oracry Cabal, 37 anyos at Verenjie Poca-an, 18 anyos.
Tumitimbang ang mga nasabat na iligal na droga ng 55 gramo na nakasilid sa 2 transparent na plastic bag at heat sealed transparent plastic sachet.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act sina Cabal at Poca-an habang isasailalim sa pangangalaga ng Department of Social and Welfare Development ang menor de edad.
By: Drew Nacino