Nasa 14.2 million pesos na halaga ng shabu ang nasabat mula sa isang ginang sa Lapu-Lapu City, Cebu.
Kinilala ang suspek na si Arcelie Auron Cortes, residente ng Sitio Casanta, Barangay Mactan.
Nasakote si Cortes matapos ang isinagawang buy-bust operation ng Cebu Provincial Police at Philippine Drug Enforcement Agency.
Narekober mula sa suspek ang nasa dalawang kilo ng shabu at buy-bust money.
Nahaharap si Cortes sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act. —sa panulat ni Jenn Patrolla