Aabot sa P14.3-M na halaga ng fully-grown marijuana, ang sinira ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Cordillera Administrative Region (CAR).
Kasunod ito ng ikinasang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) mula November 13 hanggang 30 kung saan, umabot na sa 19 ang naisagawang police operations.
Nasa 71,105 fully-grown plants at 2,100 marijuana seedlings naman ang sinira ng mga otoridad bilang pagpapaigting ng operasyon kontra iligal na droga.
Sa ngayon, patuloy pang nakikipagtulungan ang PNP sa mga ahensya ng gobyerno na may layuning masolusyonan ang lumalalang problema sa iligal na droga sa bansa.