Naharang ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang tinatayang P14.8 milyong halaga ng iligal na droga na tinangkang ipuslit sa bansa.
Ayon sa BOC -Ninoy Aquion International Airport (BOC-NAIA) idinaan ang iligal na droga sa Central Mail Exchange Center (CMEC).
Dumating umano ang shipment noong Enero 19, 2024 at nanggaling sa Wilmington, California, USA.
Idineklarang “hardware” ang laman nito.
Nang buksan ay nakuha sa loob ang 2,452 gramo ng Cocaine na itinago sa loob ng mga black bolt. Nagkakahalaga ito ng P12.995 milyon.
Naharang din sa CMEC ang anim na parcel na idineklara namang mga personal items. Nakuha sa loob ang 1,307 gramo ng marijuana na nagkakahalaga ng P1.829 milyon.
Inihahanda na ang mga kaso laban sa mga consignee ng mga parcel dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at Customs Modernization and Tariff Act.