Aprubado na ng Department of Budget and Management (DBM) ang mahigit P14-B na pondo para sa regular pension ng mga military retiree.
Sinabi ng DBM na ang naturang pondo sa ilalim ng Special Allotment Release Order (SARO) ay ipapalabas na sa DND.
Ang Notice of Cash Allocation (NCA) ay sumasakop sa pension mula January hanggang March 2023.
Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, responsibilidad ng gobyerno na tiyaking makukuha ng mga retiree ang mga benepisyong para sa kanila gayundin sa kanilang pamilya.
Hanggang nitong nakalipas na December 31, nasa halos 138,000 pensioners na ang pasok sa buwanang pension requirement sa unang quarter ng taong ito.