Nasa tanggapan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang may isandaan at apatnapung (140) bilyong pisong halaga ng proyektong pang-imprastraktura sa ilalim ng SBMA o Subic Bay Metropolitan Authority.
Ayon kay SBMA Chairman Martin Diño, isinumite nila ang nasabing proposal kay Pangulong Duterte noong nakaraang buwan.
Kabilang aniya sa proposed infrastructure projects ay ang expansion ng container terminals 3 at 4; konstruksyon ng bypass road na kokonekta sa seaport terminals patungo sa SCTEX; konstruksyon ng multi-modal elevated highway na kokonekta sa Subic hanggang sa Manila Port; pag-upgrade ng Subic Airport; at paglalawak ng Ipo road.
Sinabi ni Diño na layon ng mga nakalinyang proyekto na ito na makapag-generate ng dagdag na trabaho at maibsan ang port congrestion sa Maynila.
Sakali aniyang maaprubahan ito ng Pangulo, agad itong isusumite sa NEDA o National Economic and Development Authority.
By Meann Tanbio