Pirmado na ng Department of Transportation at Joint Venture ng tatlong Chinese companies ang P142-B contract para sa konstruksyon ng unang package ng Philippine National Railways – South Long Haul Project o PNR Bicol.
Kasamang pumirma ni Transportation Secretary Arthur Tugade sa kontrata ang mga kinatawan ng Joint Venture ng China Railway Group Limited, China Railway Number 3 Engineering Group Company at China Railway Engineering Consulting Group.
Nagpasalamat naman si Tugade sa makasaysayang Development na matagal ng hinihintay ng mga residente ng Southern Luzon at Bicol Region.
Batay sa unang package ng proyekto, magtatayo ng 380 kilometers na riles para sa PNR Bicol mula Banlic, Calamba City sa Laguna hanggang Daraga, Albay at inaasahang makapagbibigay ng mahigit 5K trabaho sa kalagitnaan ng konstruksyon.
Sa oras na maging fully operational, aabutin na lamang ng apat na oras ang biyahe mula Metro Manila hanggang Bicol kumpara sa kasalukuyang 12 oras.