Tinatayang P148 million pesos na halaga ng smuggled products ang nasabat ng mga ortoridad sa Port of Cebu.
Ang mga nakumpiskang item ay pawang undeclared, misdeclared at undervalued na kargamento na kinabibilangan ng bigas, used engines, hotel sundries at sigarilyo.
Ayon kay Atty. Charlito Martin Mendoza, acting district collector ng Port of Cebu nadiskubre ang kargamento matapos ang mahigpit na inspeksyon ng Customs Intelligence and Investigation service, Enforcement and Security service, X-Ray Inspection Project Team at Assessment Division.