Umabot na sa P149-B tourism revenue ang nabuo ng pamahalaan noong November 2022.
Batay sa year-end report na isinumite sa Malacañang, sinabi ng Department of Tourism (DOT) na nasa 2.4-M foreign tourist ang nagpunta sa Pilipinas.
Ang nasabing bilang ay 75% na mataas sa target ng ahensya na 1.7-M foreign visitors.
Samantala, umaasa ang DOT na maaabot ng bansa ang nasa 2.6-M international tourist arrivals sa susunod na taon.