Umabot na sa P 149 – B tourism revenue ang nabuo ng pamahalaan noong November 2022.
Batay sa year-end report na isinumite sa Malacañang. Sinabi ng Department of Tourism (DOT) na nasa 2.4 million foreign tourist ang nagpunta sa Pilipinas.
Ang nasabing bilang ay 75% na mataas sa target ng ahensya na 1.7 million foreign visitors.
Samantala, umaasa ang dot na maaabot ng bansa ang nasa 2.6 million international tourist arrivals sa susunod na taon.