Nasabat ng pinagsanib na pwersa ng Bureau of Customs Port of NAIA, NAIA Philippine Drug Enforcement at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group ang mahigit 15.5 milyong pisong halaga ng ecstasy tablets na isinilid sa tatlong parcels sa Pasay City.
Aabot sa 9,160 piraso ng party drugs na may estimated market value na 15,572,000 ang nadiskubre ng mga otoridad sa pamamagitan ng K-9 sweeping at x-ray scanning.
Nagmula sa Netherlands ang naturang parcel na ipinadala sa isang indibidwal sa Dasmariñas, Cavite.
Agad na itinurn-over naman sa PDEA ang mga nasabat na party drugs para sa karagdagang imbestigasyon.