Inilabas na at i-dinisburse na ng Department of Health ang P15.7B budget para sa benepisyo ng mga healthcare worker.
Ang naturang halaga ay batay sa pinaka-bagong Statement of Allotment, Obligation and Balances o SAOB at bahagi ng P16.2B na kabuuang na-idisburse na pondo.
Ayon sa DOH, ang P7.9B special risk allowances o SRA para sa 486,000 health workers ay idinisburse simula noong December 20, 2020 hanggang June 30, 2021.
Ang P6.5B ay idinisburse bilang SRA at active hazard duty pay noong isang taon para sa tinatayang 315,000 at 390,000 medical workers.
Tinatayang P1.2B naman na halaga ng meals, accommodation at transportation benefits ang natanggap na ng 103,413 healthcare workers.
Samantala, ang nakabinbing requests para sa dagdag SRA funds ng batch 5 at 6 ay i-e-evaluate pa ng Department of Budget and Management sa oras na matapos ang disbursement ng pondo sa naunang batches. —sa panulat ni Drew Nacino