Isinusulong ngayon ni Quezon City Representative Alfred Vargas ang pagbibigay ng 15,000 pisong tulong pinansiyal para sa mga fully vaccinated families sa bansa.
Sa ilalim ng House Bill No. 10466 o ang “Ayuda Sa Bakuna Act”, nilalayon nito na mahimok ang mga tao na magbakuna na upang maabot ang herd immunity kontra COVID-19.
Manggagaling ang panukalang tulong-pinansiyal sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) bilang dagdag sa kanilang social amelioration activities.
Sa ngayon, umaasa ang mambabatas na aabot ang deliberasyon sa House of Representatives na nag-umpisa na ang sesyon nitong Enero.—sa panulat ni Abby Malanday