Napasakamay ng Philippine National Police (PNP) Muntinlupa ang may P15 milyong halaga ng shabu.
Ayon kay PNP Muntinlupa Officer in Charge Police Superintendent Nicolas salvAdor, isang fastfood chain security guard sa Alabang ang nakadiskubre ng naturang shabu sa isang backpack na naiwan sa pinagtatrabahuhan nitong kainan.
Nakita sa CCTV footage na sinadyang iniwan ng di pa nakikilalang suspek ang naturang bag na naglalaman ng ipinagbabawal na gamot.
Kasalukuyang iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang insidente.
By Ralph Obina