Nasamsam ng mga otoridad ang aabot sa P15-M halaga ng Marijuana sa bulubunduking bahagi ng Barangay Adlaon sa Cebu City.
Sa tulong ng pinagsanib puwersa ng mga tauhan ng Cebu City Police Office (CCPO), CCPO-Drug Enforcement Unit, Intelligence Unit, Station 8 at Naval Forces Central ay nadiskubre ang mga tanim na Marijuana.
Kasunod ito ng pagpapaigting ng kampanya kontra Loose firearms o mga iligal na pagbibit-bit ng baril.
Agad namang sinunog ang mga Marijuana upang hindi na mapakinabangan pa habang pinaghahanap narin ng mga otoridad ang salarin sa pagtatanim ng Marijuana. — sa panulat ni Angelica Doctolero