Naglaan ng P15 milyon ang lokal na pamahalaan ng Marawi City bilang pambili ng COVID-19 vaccine para sa mga mamamayan nito oras na magkaroon na ng suplay ng bakuna sa bansa.
Ani ni Marawi Mayor Majul Gandamra nitong Lunes, bagamat maliit na halaga lamang ito kung ikukumpara sa ibang mga malalaking lungsod ito aniya ay panimula pa lamang.
Dagdag pa ng Alkalde, prayoridad nitong mabukanahan ang 5,000 nitong mamamayan partikular na ang health at social workers ng lungsod at nakikipag-ugnayan na ito sa League of Cities of the Philippines (LCP para sa supplier ng bakuna.
Paglilinaw ng ni Gandamra, mayroon na lamang 12 aktibong kaso ng COVID-19 sa naturang lungsod. —sa panulat ni Agustina Nolasco