Nagkakahalaga ng P15 million na smuggled agricultural products ang nasabat ng Bureau of Customs sa Mindanao Container Terminal Port.
Katuwang ng BOC sa operasyon ang Port of Cagayan De Oro at intelligence group kung saan nahuli ang limang container ng mga puslit na agricultural products sa Mindanao International Container Terminal Services Incorporated Yard, sa Goloan Misamis Oriental.
Naka-consign ang shipment sa Primex export and import producer mula sa China na dumating sa bansa noong July 2 at idineklara bilang feeds.
Pero nang buksan ito ng BOC ay naglalaman pala ng mga pula at puting sibuyas at carrots.
Inihayag naman ng BOC na malinaw na paglabag sa Customs Modernization and Tariffs Act ang kargamento dahil sa misdeclaration ng mga produkto.