Isusulong ng grupo ng mga manggagawa ang P150 dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa.
Ayon kay Trade Union Congress of the Philippines o TUCP President Ruben Torres, panahon na para itigil ang paniniwala ng gobyerno na makakahikayat ng negosyo ang mas mababang pasahod sa mga manggagawa.
Napakatagal na anyang nagtitiis ang mga manggagawa ng pa tingi-tinging dagdag sa sahod tulad ng P10 idinagdag sa minimum wage noong nakaraang taon.
Bahagi ng pahayag ni TUCP President Ruben Torres
Ayon kay Torres, panahon na rin para tignan kung epektibo pa ang pagkakaroon ng magkakaibang minimum wage sa kada rehiyon ng bansa.
Una rito, lumabas sa survey ng Pulse Asia na mas prayoridad pa rin ng mga Pinoy ang isyu sa mas mataas na suweldo at trabaho kumpara sa giyera kontra droga ng Duterte administration.
Bahagi ng pahayag ni TUCP President Ruben Torres
By Len Aguirre | Ratsada Balita