Inihirit ng isang kongresista ang P15K na production subsidy para sa mga magsasaka na naapektuhan ng kalamidad at sunod na sunod pagtaas ng produktong petrolyo.
Ayon sa Gabriela Partylist Representative Arlene Brosas na mas mainam ang pagbibigay ng subsidiya kumpara sa loan na o pautang, na kalaunan ay kailangan pa rin bayaran ng apektadong magsasaka.
Sa panahon ngayon, mas kailangan ng tulong ng mga magsasaka matapos maitala ang P10 kada kilo ng palay.
May ilang lalawigan naman na nasa P12 hanggang P13 ang presyo ng kada kilo pero masyado pa rin aniya itong mababa, kumpara sa dapat na average production cost ng palay na P15 kada kilo.
Samantala, patuloy na isinusulong ni Brosas sa panukalang Rice Industry Development Act o RIDA, na layong paunlarin ang local rice industry at mapabuti ang kondisyon ng mga magsasaka.