Ipinanawagan ni Assistant Minority Leader at Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas sa administrasyon na hanapan ng pondo ang P15,000 na subsidiya sa produksyon ng mga magsasaka na apektado ang lupang sakahan ng pananalasa ng bagyong Karding.
Ayon kay Brosas maaari aniyang kunin ang pondo para rito sa contingent fund at bahagi ng unprogrammed fund na nakalaan para sa cash assistance ng mga magsasaka ng palay.
Isusulong din ng mambabatas na maisama nasabing subsidiya para sa nasa 9.7-M magsasaka at mangingisda sa panukalang 2023 budget.
Nabatid na batay sa pinakahuling tala ng Department of Agriculture (DA) nasa 1.7 milyong ektarya na ng pananim ang pinsalang dulot ng bagyo sa LUZOn at halos 1.5 milyong ektarya mula dito ay sakahan ng palay.
Habang aabot naman sa nasa 75. 83% naman ang kabuuang pinsalang maidudulot nito sa mga palayan at 52.37 percent sa mga maisan ayon sa ahensya. – sa ulat ni tina Nolasco (Patrol 11)