Naipagkaloob na ng Department of Health (DOH) ang kabuuang higit 16 na bilyong pisong benepisyo sa health workers.
Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III, kabilang sa ipinamahaging benepisyo ang Special Risk Allowance, COVID-19 sickness at death compensation.
Sa huling tala, nasa 735 milyon na ang naibigay sa 55,000 health workers habang 613 milyon naman sa health workers na nagkaroon ng mild, moderate at severe COVID-19 cases.
Samantala, patuloy pa rin na humihiling ng karagdagang pondo ang naturang kagawaran para sa mga hindi pa nakatatanggap. —sa panulat ni Airiam Sancho