Inihayag ni Health Secretary Francisco Duque na naipamahagi na ng ahensya ang P16.01 bilyon halaga ng mga benepisyo sa healthcare workers.
Ayon kay Duque, kabilang sa mga naipamahagi ng ahensya ang special risk allowance at COVID-19 sickness and death compensation.
Sa ngayon, umabot na sa P735 milyon ang naipamahagi sa 55,000 health workers sa bansa.
Habang nasa P613 milyon naman ang naibigay sa health workers na nagkaroon ng mild, moderate, at severe hanggang critical COVID-19 cases.
Samantala, humiling naman ang DOH ng karagdagang pondo sa Department of Budget and Management upang matustusan ang benepisyo ng health care workers.—sa panulat ni Hya Ludivico