Aprubado na ng Bangsamoro Tripartite Wages and Productivity Board (BTWPB) ang umento sa sahod ng mga manggagawa sa naturang rehiyon.
Dadagdagan ng 16 na piso ang sahod ng mga minimum wage earners sa BARMM.
Sinabi ni BARMM Labor Minister Muslimin Sema, ang nasabing salary increase ay inaprubahan matapos ang konsultasyon sa mga kinatawan ng business at labor sector sa limang probinsya at tatlong lungsod sa naturang rehiyon.
Gayunman, paliwanag ni Sema na hindi nila kayang magbigay ng mas mataas na umento sa sahod dahil nagsisimula pa lamang silang makabawi mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.
Sakali naman aniyang humiling ng mas mataas na umento ay mapipilitan umano silang magbawas ng manggagawa para lamang makasunod sa itinakdang sahod.