Mararamdaman na ng mga manggagawa sa gitnang Luzon ang umento sa kanilang arawang sahod simula sa Mayo 1.
Ito ay matapos aprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board Central Luzon ang karagdagang labing anim na piso (P16.00) sa minimum wage ng mga manggagawa sa nasabing rehiyon.
Epektibo sa mga lalawigan ng Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac at Zambales ang aprubadong wage order.