Tumataginting na P17-M na halaga ng premyo ang naghihintay kay Olympic Boxer Carlo Paalam matapos sumungkit ng silver medal sa 2020 tokyo olympics.
Alinsunod sa Republic Act 10699, dapat makatanggap ng 5 million pesos ang mga olympic silver medalist gaya ni Paalam.
Bukod pa rito ang ilang pledges mula sa pribadong sektor tulad ng ipinangakong 5 million pesos ng MVP Sports Foundation sa sinumang kukubra ng pilak na medalya.
Tatanggap din ang 23-anyos na atleta ng karagdagang 5 million pesos mula kay Business Tycoon Ramon Ang ng San Miguel Corporation at 2 million pesos mula kay 1-Pacman partylist Rep. Mikee Romero.
Samantala, entitled din si Paalam sa ‘forever flyer’ reward ng Philippine Airlines, na magbibgay sa kanya ng 60,000 mabuhay miles kada taon, habang-buhay.
Nakalaban ni Paalam sa finals ng men’s flyweight division si Galal Yafai ng Great Britain.—sa panulat ni Drew Nacino