Mahigit P17M halaga ng dilaw na sibuyas mula China ang nakumpiska ng Bureau of Customs.
Nadiskubre ang mga sibuyas sa tatlong container na nakahalo sa P2M halaga ng ukay-ukay at iba pang produkto.
Ayon kay Customs commissioner Yogi Filemon Ruiz, kung sa tingin ng mga smuggler ay maikukubli nila ang mga puslit na sibuyas sa mga ukay-ukay, nagkakamali ang mga ito.
Nanumpa anya sila na pipigilan ang mga iligal na aktibad at sinisikap ng ahensya na protektahan ang mga Pilipino laban sa mga mapagsamantalang negosyante.
Pinuri naman ni Ruiz ang mga operatiba ng Aduwana sa pagpapaigting ng kampanya laban sa smuggling ng
agricultural products. –sa panulat ni Jenn Patrolla