Inilunsad ng embahada ng Amerika sa Pilipinas ang #ForMindanao campaign na layong suportahan ang mga tumatakbong proyekto sa buong Mindanao.
Pangungunahan ang nasabing kampanya ng mga ‘Filipino alumni ng US government sponsored exchanges na may kasanayan sa pagtugon sa mga pangangailangan ng tao.
Ayon sa US Embassy, magiging bahagi din ng naturang kampanya ang patuloy na pagtulong nila sa mga biktima ng limang buwang bakbakan sa Marawi City.
Tatagal ang buong kampanya ng isang taon at inaasahang makatutulong ito sa mahigit labing tatlong libo (13,000) katao na sesentro sa mga ‘out-of-school youth’, mga mag-aaral sa kolehiyo, ‘madrasa students’ at mga kababaihan ng Mindanao.
—-