Nakatakdang dumating sa bansa ang nasa P18-milyong halaga ng mga military equipment mula Estados Unidos sa susunod na buwan.
Ito ang inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, matapos aniya niyang makapulong si US Embassy chargé d’affaires John Law noong nakaraang linggo.
Ayon kay Lorenzana, kabilang sa mga darating na military equipment ang mga precision-guided munitions.
Maliban rito, sinabi ni Lorenzana na napag-usapan din nila ang magiging relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos sa ilalim ng pamumuno ni US president-elect Joe Biden.
Aniya, tiniyak ni law na walang magiging pagbabago sa foreign policy ng amerika kahit mapalit ng presidente ang kanilang bansa.