Nakumpiska sa Port of Cebu ang aabot sa P180-M halaga ng mga smuggled goods.
Ayon sa Bureau of Customs (BOC), ang naturang milyong-milyong pisong nakumpiskang produkto ay pawang mga undeclared, misdeclared, at undervalued.
Ilan sa mga nakumpiskang produkto ay mga sigarilyo, mga ukay-ukay na damit at iba pa.
Mababatid sa datos ng BOC, mas mataas ang ‘September apprehensions’ sa Port of Cebu kumpara sa naging kolekta nito noong buwan ng Agosto.
Kasunod nito, iginiit ni Charlito Mendoza, district collector ng Port of Cebu na ang mga dumaraming kargamentong nasasabat ng ahensya, ay dahil sa makabagong x-ray technology nito na bahagi ng kanilang pinaigting na kampanya kontra smuggling.