Naipamahagi na ang 182 milyong pisong halaga ng relief assistance sa mga naapektuhan ng bagyong Nina.
Mula sa nasabing halaga, sinabi ni Department of Social Welfare and Development Authority o DSWD Secretary Judy Taguiwalo na mula sa kanilang ahensya ang halos 167 milyong piso.
Samantala, galing naman, aniya, sa mga lokal na pamahalaan ng mga apektadong lugar ng CALABARZON, MIMAROPA, Bicol, at Eastern Visayas ang mahigit 4 milyong piso habang mahigit 11 milyong piso naman ang ibinigay ng mga non-government organization.
Dagdag pa ni Taguiwalo, pinamamadali na rin ng DSWD ang pagproseso ng emergency shelter cash assistance upang matugunan ang pinsalang naidulot ng bagyong Nina sa mga kabahayan.
By: Avee Devierte