Dinepensahan ni National Security Adviser Hermogenes Esperon ang P19.13 bilyon na pondo para sa taong 2021 ng ahensya.
Ito ay matapos magbigay ng suhestiyon ang ilang Senador at si Vice President Leni Robrero para i-realign ang pondo ng ahesya para sa mga apektado ng ECQ.
Ayon kay Esperon, hindi dapat pag-initan ang 16 bilyon na pondo ng ahensya dahil gumagastos ang pamahalaan ng 600 bilyon para panlaban sa pandemya.
Dagdag pa niya na hindi balakid ang kanilang ahensya sa paglaban nagyon sa COVID-19.—sa panulat ni Rex Espiritu