Hindi magagamit ng mga pulitiko ang P19 bilyong pondo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Ito ang tiniyak ni Presidential Communications Operations Office Undersecretary Lorraine Marie Badoy matapos paratangan ni Bayan Muna Representative Carlos Zarate ang NTF-ELCAC na nawawaldas ang pondo nito sa paggawa ng mga tarpaulins at iba pang campaign propaganda ng mga pinapaborang kandidato ng task force.
Ayon kay Badoy, ginagamit ang pondo ng NTF-ELCAC sa pagpapaunlad ng mahigit walong daang barangay sa bansa upang makalaya o makaiwas sa impluwensiya ng New People’s Army.
Giit ni Badoy, hindi na siya nagulat sa naging pahayag ni Zarate dahil ito umano ang “mouthpiece” ni Communist Party of the Philippines o CPP-NPA founding chair Jose Maria “Joma” Sison.