Kinuwestyon ng COA ang halos P190 milyon na ipinasuweldo ng People’s Television (PTV) network incorporated sa mga regular employee nito kasama ang contractual at contract of service.
Sa report ng 2020 audit report ng COA, bigo ang PTV management na isumite ang mga daily time records ng mga nasabing empleyado taliwas sa nakasaad sa Government Auditing Code of the Philippines at COA Circular.
Ayon sa audit team ng COA, ilang taon na ring hindi nasusunod ang dapat sa pagsusumite ng mga kumpletong supporting documents partikular ng DTR’s para sa bayad ng suweldo ng mga empleyado ng gobyerno, anuman pang estado ng mga ito.
Ipinabatid ng state auditors na ang DTR’s ng contract of service personnel mula January hanggang June 2020 ay isinumite nuong Disyembre subalit ibinalik dahil kulang ang lagda ng mga kinauukulang empleyado at kawalan ng approval ng kani kanilang supervisors.
Nangako naman anito ang PTV management na isusumite ang lahat ng mga kinakailangang dokumento.