Makukuha ng Philippine National Police (PNP) ang malaking bahagi ng budget sa Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa proposed appropriations o paglalaan ng pondo sa susunod na taon.
Ayon kay PNP Chief Rodolfo Azurin Jr., naitabi na para sa institusyon ang 191 billion pesos na budget mula sa 251 billion pesos na pondo ng DILG.
Gagamitin ang naturang budget para sa pagtanggap ng karagdagang 1,000 kapulisan, pagpapagawa ng 11 pang police station, at pagbili ng mga kagamitan ng ahensya kabilang na ang ibat-ibang uri ng baril, base radio at field investigator crime scene at mga sasakyan na gagamitin sa operasyon.
Samantala, bukod sa PNP, makakatanggap din ang Bureau of Fire Protection (BFP) ng 26.7 billion pesos na pondo; Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na mayroong 22 billion pesos na pondo; DILG na mayroong 6.7 billion pesos; at National Police Commission (NPC) na mayroon namang 1.9 billion pesos. —sa panulat ni Hannah Oledan