Nasamsam ng mga awtoridad ang nasa halos P193-M halaga ng marijuana ang binunot at pinagsusunog sa Kalinga.
Ito’y sa pamamagitan ng pinag sanib pwersa ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Tinatayang nasa 795,000 na mga fully grown marijuana plants ang nakuna ng mga operatiba sa 18 plantation sites.
Mababatid na sa dami ng mga ito ay sinimulan ang operasyon noong Miyerkules at nagtapos lamang nitong Biyernes.