Dinipensahan ni Senador Panfilo Lacson ang higit 194-B proposed budget ng Department of Defense sa susunod na taon.
Ayon sa senador, ang malaking budget ay gagamitin para makahabol sa procurement ng mga kinakailangang equipment ang bansa.
Dagdag pa nito, kailangang makahabol ang defense department ng Pilipinas sa mga kakayahan na meron ang mga karatig bansa.
Magugunitang kinwestyon ng ibang senador ang malaking pondo ng kagawaran matapos makitang ito na ang pinakamalaking naging budget ng Department of National Defense (DND).
Samantala, rerepasuhin din ng senado ang AFP modernization program at kung kinakailangan ay ire-revise ito. — ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)